Random Thoughts <3

12375046_1084898654867962_3909326076155357658_o

Pinikit ko ang aking mata. Nag iisip ng magagandang salita na bibitawan upang magkaroon ng sense ang pagsusulat na ito.

Isa. Dalawa. Tatlo.

Typing…

Hello. Balita ko TORPE ka. Oo. Ikaw nga na kasalukuyang nagbabasa ng aking Obra. Pumayag naman  ako na turuan ka. Sounds funny. Right? Ako? Tuturuan kita?  Hindi ko masasabing makakatulong ako sa paraang gusto mo. Pero sana makatulong ang aking karanasan sa mga taong nasa paligid ko upang mabahaginan ka ng kaunting mga ideas about dito.

Gusto mo pa bang ituloy ang pagbabasa?

Pwedeng hindi na din naman. Bibigyan kita ng chance na ibalik ang papel na ito sa taong nagbigay sa’yo. As in, NOW NA!

 

 

So I guess, nakapili ka na! Mas pinili mong basahin ang kabaliwan na lalabas sa kaisipan ko. So handa ka na? Walang sisihan. (^_^)

Karamihan ng tao ang iniisip ay mga babae lang ang mahilig sa mga ganitong kadramahan. Pakiramdam nila, sila yung api, walang magawa, marupok, napaglalaruan, mahirap magmove on at mahilig sa mga hugot lines. Lahat yata nirerelate nila sa mga pangyayari sa buhay. Pati yata ang ang ekonomiya nadamay na.

Pero hindi naman ako lumalayo sa topic di ba? Gusto ko lang mabigyan ng hustisya na wag magfocus sa mga kababaihan. Minsan ang mga kalalakihan kaya ang may pinakamalaking factor ng pagddrama. Hindi lang talaga sila showy di tulad ng mga babae.

At sa hindi nila pagiging showy dito nagsisimula ang lahat.

Tahimik.

Emotionless.

Go with the flow.

Deadma.

Okay. Huwag na tayo lalayo. Tulad mo siguro. Peace (^_^)V

Oh! Start ko na ang piece of advice ko para sa’yo : )

If you like someone (when time comes). Basahin mo ulit ito baka sakaling makatulong ito di ba?

Torpe ka db? Naku. Bawal na Torpe ngayon sa mundo, mapag iiwanan ka. Torpe ay parang martir na din. Binabaril na sa Luneta. Ano paschedule na tayo ng pagpunta sa Luneta? : )

At dahil nagpapatulong ka sa akin. Handa naman kitang tulungan sa abot ng makakaya ko. Mahilig din naman ako magsulat ng blog at mag isip ng mga katulad nito.

Hindi ko masasabing effective ang ganitong mga pointers para tulungan ka. Ito ay gawa lamang ng malikhaing isip ko at sa mga mata kong nag oobserve sa mga taong katulad ng kadramahan mo sa buhay. HAHA!

Anyway, ready ka na?

Oh start na natin!

 

  • JUST BE YOURSELF with a Twist

Oo naman. Wala pa ding tatalo sa pagiging totoo mo sa sarili mo. Yung ikaw talaga. Yung walang pagpapanggap na kasama. Pero bakit may Twist? Ibig sabihin nun magpakatotoo ka din sa nararamdaman mo. Bawal ang denial. Accept the fact na gusto mo siya. Tanggalin ang paniniwalang, “Ako to! Tanggapin niya ako sa pagiging ako”. Ooops! Dyan palang talo ka na talaga sa paninindigan mong yan. Bakit ka niya tatanggapin sa pagiging ikaw? Eh ikaw nga ang may gusto sa kanya di ba? Dapat line niya yan! HAHA! Kung gusto mo siya, magpakatotoo ka, iprove mo sa kanya na kaya mo mag adjust sa mga bagay na gusto niya. Bakit? Kasi gusto mong magustuhan ka niya. Edi itake mo ang risk na gawin ang mga bagay na nakakaagaw ng atensyon niya. Sa una lang naman yang adjustment na yan, pag nagustuhan ka na din niya at kuhang kuha mo na siya. Yung “Just Be Yourself” hindi mo na kailangan ng twist. : )

*** Gusto mo siya, magpakatotoo ka.***

 

  • STALKER. STALKER.

Oo darating sa punto na kailangan mong ibaba ang sarili mo sa ganitong level. Medyo childish na gawain pero makakatulong din. Isa ito sa maraming way na pagkuha ng information. Hindi ito yung literal na susundan mo na para kang adik. Stalking through her friends, via social media and her life flow. Eh kasi nga torpe ka di ba? Hindi mo naman siya matatanong ng harapan. Pero ito ang safest way para malaman mo mga activities niya. Magkakaroon ka ng idea kung anong approach ang maaari mong gawin at yung ang magiging bala mo.Way din ito para mas makilala mo siya ng lubusan. Ano ba madalas niya pagkaabalahan? Sino ba mga taong nakakasama niya? Ano ba mga hilig niya? Malaking points na  yan pag nalaman mo mga kasagutan diyan. Malay mo makatulong siya sa twist na nabanggit ko sa taas. Edi ikaw na! : )

*** Childish way pero useful***

 

  • GET OUT OF YOUR COMFORT ZONE

 

Huwag mo naman masyadong ienjoy ang pagiging torpe. Un bang, “Eh wala torpe ako eh! Wala kayong pakialam” Shocks! Isa ito sa mga kinaiinisan kong naririnig lalo na sa mga kaibigan kong lalaki. Tapos magddrama bakit di sila gusto ng gusto niya! Ay ang sarap sapakin! HAHA! Labas labas din ng comfort zone, ano ba naman yung magmove ka at magpalalaki minsan. Ipaglaban ang feelings. Kahit na alam mong may chance na masaktan ka.

 

  • PARA PARAAN.COM.PH.

 

Pagkakataon mo ng mag ninja moves sa paraang mapapansin niya na may gusto ka sa kanya. Isa ito sa mga paraan para lakasan ka ng loob. Yung itatago mo ang feelings mo sa pamamagitan ng mga jokes. Sakyan mo ang mga pasaring. Makipagsabayan sa mga biruan. Lituhin mo ang feelings niya. Sumama sa gig ng kung saan kasama din siya. In that way, makikita mo kung paano siya gumalaw at makihalubilo. Chance mo na din to para makapag isip ka kung totoo ba ng feelings mo for her. Huwag kang matakot gumawa ng mga simpleng bagay. Mag ninja moves ka! Huwag naman yung mahalay. Bawal Rated SPG dito. Dapat yung kilig to the bones.

 

***Dito ka mas madedevelop sa kanya***

 

 

  • UMAMIN KA! MAGPAKATOTOO KA!

Ito na yata ang pinakachallenging na gagawin ng isang lalaki. Mag ipon ng lakas ng loob. Isipin kung paano magkakaroon ng impact ang pagsabi sa kanya na gusto mo siya.

  • Maghanap ng magandang tyempo. Yung alam mong nasa mood din siya.
  • Sabihin ng personal. Bawal ang text. Hindi ka seryoso pag tinext mo lang siya. Hindi ka seseryosohin din nun.
  • Make it private. Yung konti lang nakakaalam na kaibigan mo para icheer ka din kahit paano sa gagawin mo.
  • Nice ambiance. Huwag padalus dalos para hindi niya makalimutan.
  • Make it memorable. Pwede mo ding gawin yung mga bagay na hindi niya pa nagagawa. Para ikaw lang ang taong maiisip niya pag nakita niya ang bagay na yun.
  • Eye to eye contact. My goodness!

Pero syempre dahil torpe ka nga, paano mo gagawin ng personalan? Basta lagi mo iisipin ang mga katanungan na ito:

Pag hindi ko sinabi sa kanya ang nararamdaman ko, what if:

  1. Dumating ang araw na pagsisihan ko na nawala siya?
  2. Kung may gusto din pala siya sa akin, ako lang hinihintay niya?
  3. Hindi na ako magkagusto ng iba bukod sa kanya?
  4. Mamatay na ako bukas ng hindi ko man lang nasasabi ang naararamdaman ko?
  5. Mapaisip ako kung ano pa ang mga bagay na mawawala sa akin kung sa simpleng pagtapat ng feelings ay hindi ko magawa?

Walang katapusang regrets. Iilan lang yang mga yan. Pero kung dumating ang araw na torpe ka pa din panigurado ito ang mga concerns na nasa isip mo.

  1. Paano kung nareject ako? Paano ko siya haharapin?
  2. Paano kung hindi naman niya ako gusto?
  3. Paano kung mas lumayo lang siya dahil sa pagtapat ko ng feelings sa kanya?

Walang katapusang “Paano” ang maiisip mo. Pero hindi naman talaga mawawala sa isip ang mga ganyang pag aalala.

BIG QUESTION: “Hindi mo man lang ba susubukan?”

Kung “HINDI” ang sagot mo, eto  na ang ending ng pagbabasa mo. Huwag mo ng basahin ang kasunod. Magsasayang ka lang ng oras. : )

Oh binabasa mo ba ito ulit?

Pinagpatuloy mo yata ang pagbabasa.

Weh? Di nga? Edi congrats! Oh next level na tayo 🙂

  • IT’S A DATE.

Yayain mo na kumain sa labas. Getting to know stage lang naman. Para magkaalaman kung ano ba talaga ang feelings niyo sa isa’t isa.

Ano ang mga factors na icoconsider?

  1. Huwag mo tanungin kung saan niya gusto. Syempre hindi sasagot yan kung saan niya gusto kumaen.
  2. Paghandaan. Ikaw ang masusunod sa date. Wag ka ganu magpaimpress. Ikaw nagyaya eh. Ikaw ang gumawa ng itinerary ng buong araw niyo.
  3. Make it simple. Test din ito kung magiging compatible kayong dalawa. Hindi naman kailangan ng bongga.
  4. Alamin mo yung mga interests niya. Depende din kasi sa pagkatao niya yan. Dyan mo magagamit ang pagiging stalker mo sa taas na nabanggit.
  5. Make it interesting. Yung mapapapayag mo siya na lumabas pa sa pangalawang pagkakataon.

***Take note. Pag ang babae hindi pumayag makipagdate sa’yo sa unang pagkakataon. Meaning wala siyang interest sa’yo. Pero pag yan pinayagan ka niya, kinoconsider niya ang feelings mo for her. BIG CHECK KA NA NUN***

  • LABAN KUNG LABAN.

Ayaw ng babae na parang ikinahihiya mo na gusto mo siya. Yung hindi niya nafefeel. Pag ganun na naramdaman niya, delikado ka na. Hindi ka na niya icoconsider. Iparamdam mo na she’s worth fighting for. Yung ganito ba, “MAKINIG KAYO! GUSTO KO YANG BABAE NA YAN! LILIGAWAN KO SIYA!”

Uso na aggressive ngayon sa mga lalaki. Pag duwag ka, ewan ko nalang. Mamamatay ka ng walang forever. : )

 

Oo, random thoughts ko siya! Pero sana makatulong sa mga makakabasa. Pagdating ng panahon if ioopen ko ulit ang blog na ito. Panigurado matatawa nalang ako sa kung ano ang pinagsusulat ko sa blog na to! HAHA! 🙂

 

Salamat sa isang tao na naging dahilan kung bakit nagawa ko ang kaadikan na ito. Birthday gift na din sa kanya bilang kaibigan 🙂

 

Signing off..

 

 

11046653_946327525391743_1460518697127407241_n

 

 

 

Gizelle “Maddie” F. Maniago

“Life loves the person who dares to live it”

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s