Buhay parang Life :D

Quotes 332

Hello Buhay! 🙂

“Bakit ang hirap magising ng 05:30 ng umaga?” (Malalate ka, Maddie. HR ka pa man din)

“Bakit nakakatamad minsang pumasok?” (Pag di ka nagtrabaho wala ka na pang social life at hindi ka na makakabili ng Dora stuffs mo)

“Bakit nakakapikon ang ibang tao? Patulan ko na ba?” (Pag pinatulan mo, ikaw magiging masama. Tao ka pa din Mads. Napipikon ka din)

“Bakit hindi ako mapansin ng taong gusto ko?” (Kasi wala siya gusto sa’yo. Gising gising din pag may time)

“Bakit hindi ko magustuhan yung tao na gusto ako?” (Gusto mo siya, Maddie. Pero di ka pa marunong magmahal. Natatakot ka baka maulit ulit ang katangahan mo dati)

“Bakit hindi ko maabot yung ibang mga pangarap ko?” (Wala ka pa kasi na ginagawang steps para maglevel  up. Nasaan ka ngayon? Naging HR ka! Naligaw ka ng landas)

“Bakit sa dami ng bakitssss na tanong ko, nasasagot ko naman siya?”

HAAAY BUHAY! Parang bato it’s hard.. (-_-)

Alam mo naman ang kasagutan sa mga tanong mo pero bakit walang nangyayari? May mga sitwasyon kasi na ang hirap gawin. Naiipit ka sa mga, “WHAT IF DI MAGWORK?” Natatakot ka sa mga rejections. Natatakot ka sa sasabihin ng ibang tao. Natatakot ka baka hindi pa enough yung knowledge mo para maglevel up sa mga bagay na naiisip mo. Natatakot ka pa. Oo! Takot na takot ka!

Yang buhay na yan, kala mo ang dali lang sa una. Ang daming options, consequences, etcetera mukhang adik lang!! GRRR!

Pero kahit na ang hard ng buhay. Masarap pa din sa feeling na gumigising ka ng makabuluhan. Madami ka mang tanong na alam mo ang kasagutan pero hindi mo magawa, yung totoo? Masaya pa ring mabuhay!

Ika nga…

LIFE LOVES THE PERSON WHO DARES TO LIVE IT!!!!!!!

Kaya, “Hoy Buhay! Hard ka man minsan, hindi mo ako mapapabagsak. Tuloy pa din ang kwento ng buhay ko. Just watch out!”

Marami mang mga bagay akong hiniling sa buhay na hindi binigay ng Diyos. Mas madami pa din ang mga bagay na hindi ko hiniling pero binigay ng Maykapal.

I LOVE YOU, LORD ❤ ❤ ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s