TSUBAKI Desperate Move : )

Isang hapon pagkatapos ng misa..

Naglalakad kami ng chubby at malusog kong kaibigan na si Nicolette sa isang park. Nag uusap kami sa mga bagay bagay na napakinggan namin sa loob ng simbahan. Serious mode ang peg namin.

Hanggang sa may nakita kaming gwapo na nagjoojogging paikot sa Park.

Me: Oh my gulay! Patawarin nawa ako ni Lord. Hindi naman sigurong masamang umappreciate ng Kanyang mga likha. (Sabay tawa at hampas sa malaking braso ni Nicolette )

Nicolette: Kung makahampas ka naman, close talaga tayo no? Pero infairness, gwapings naman talaga.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Hindi ako mapakali. Isa. Dalawa. Tatlo. Pinigilan ko siya sa braso at sabay sabi ng:

Me: Gusto mo ng trip?

Napangiti ang kaibigan ko at nagets na niya agad ang gusto kong ipakahulugan.

Me: Masyadong matamlay ang maghapon. Gawin nating bongga. (sabay high five)

Umupo muna kami sandali sa bench at kinalkal ko ang mahiwaga kong pink na bag. Labas ng Johnsons Baby Powder na pink. Mirror kong pink. Hair Brush kong pink. Lipstick na pink. At nagwisik-wisik ng aking Lewis and Pearl na cologne.

Nakita ko sa side view ng aking mata ang pigil na pagtawa ng aking kaibigan na very supportive pero alaskadora.

Nicolette: Alam mo minsan iniisip ko kung bakit naging friend kita? (sabay tawa ng malakas) Ang tagal na nating magkaibigan pero parang di pa ako nasasanay sa’yo.

Me: Dyosa kasi ako! Nauuwaan ko ang mga lamang lupang katulad mo. BWAHAHAHA. (sabay ayos ng aking side bangs with pout ng lips habang nakatingin sa aking girl na girl na mirror)

Nicolette: Ilusyunada. So what’s the plan?

Tumayo ako.

Me: Just watch and learn. Makuha siya sa pink kong lipstick! (sabay kindat sa aking friend)

Oo! Eto ang desperate moves ng mga single ever since the world begun na katulad ko. Anyway, naniniwala kasi ako na “Life is fun if you make it fun” 😀

PARAPARAAN.COM.PH. Lights. Camera. Action.

Nilapitan ko ang guy. Grabe di ko maabutan ang bilis magjogging. Naooily na ang face ko kaya I decided na hintayin nalang siya makaikot ulit sa malapit sa kinalalagyan ko.

Yes! Malapit na siya. Heartbeat fast! Kapal Face Ready! Wind Effect, thank you.

Hinarang ko siya.

Inner Mind: Gizelle, ang aggressive mo masyado! Behave!

Me: Hi. Excuse me. Sa’yo ba ang towel na ito?

Inner Mind: Thank you sa face towel na nasa loob ng bag ko. Big Help! Sana lumusot!

The Guy: Oh. (parang yumukot ang mukha niya) That’s not mine. (sabay hawak sa towel to check with pitik ng daliri)

Inner Mind: Parang may something sa lalaking ito.

Me: Hindi pala sa’yo. Hi I’m Gizelle. (pacute)

The Guy: I like your pink lipstick. Anong brand niyan?

Napanganga ako. Doon ako napatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Naka pink na headset siya. Pink din ang tali ng kanyang converse. CONFIRMED.

Me: Sophie brand niya. Ah sige pala, my friend is waiting. Bye!

Kinuwento ko sa kaibigan ko nangyari at ang ending, NGA NGA! Umalis kami ng park na tawang tawa. 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s