Kahihiyan Story (-__-)

“Yung eksenang nakatingin ka kay Crush bigla lumingon din siya sa’yo at kilig to the bones ang Lola mo.”

“Yung eksenang ikaw nalang ang natitirang single sa inyong magkakabarkada”

“Yung eksenang okay ka lang naman maging single pero bakit parang nabobother ka. It means hindi ka pala okay pero pinipilit mong okay ka naman. Ang gulo!”

“Yung eksenang one to hundred na yata ang crush mo. Wala ka mang love life, kumacrush life ka naman”

dear-crush-quotes

Ilan lang yan sa mga eksena na ng buhay ko. Daig ko pa ang nagkapelikula. Well, ako nga pala si Gizelle, 22, No Boyfriend Since Birth. Hindi kagandahan ngunit sure ako na mas maganda ako sa’yo. (medyo harsh)

Lagi nalang ako kinakantyawan ng mga kaibigan ko ng ganito: “Friend, baka lupa nalang ang kumain sa’yo. Sige ka” Saka ako mapapaisip kung kaibigan ko ba talaga ang mga luka lukang yun. Kung idown naman ako wagas! Pero kung sa inaakala niyo, ako ay nasasaktan sa mga pasaring na ganyan. Hinding hindi ako tatamaan. Dahil sa status ko ngayon, mas masaya kaya ang single pero kinikilig dahil kay crush. BWAHAHA!

Ang dami kayang advantages pag single ka. Tulad ng:

  1. Yung magbrebreak sa Jowa nila mga kaibigan ko. Sa isip ko,”Walang Forever”.
  2. No Heartaches.
  3. Pag single ka, maraming insecure sa’yo. (Pag nilapitan ka ng Nobyo ng iba, pagseselosan ka na agad)
  4. Walang gastos. (No weeksary gift, monthsary gift, anniversary gift)
  5. Social Butterfly (yun bang friend ka ng lahat)

TMTM. Too Many to Mention.

Ngunit isang araw.. Valentines Day!

Sanay naman ako pero hindi ko alam kung anong kalokohan ang sumagi sa isipan ng babaeng katulad ko na walang kadate ngayong araw. In short, BITTER ang ate mo!

Nasa loob ako ng office. Dinial ko ang phone. Sinabi ko ang company address namin at nag instruct ako sa kung sinong tao ang kausap ko over the phone.

After 30 minutes.

Nagring ang phone. Sinagot ng kaworkmate ko at nakangiti sa akin. Kinantyawan ako. Nabigla ako at kinabahan.

Dumating ang delivery boy. Lahat ng officemates ko nakatingin sa may pinto at hinihintay ang sasabihin ni Kuyang nagdedeliver.

“Ma’am Flowers po para po kay Ms. Gizelle. Galing po kay Ms. Gizelle din po.” (napakamot ang nagdedeliver, parang nagkamali sa nabasa kaya inulit niya pa)

Lahat ng mga katrabaho ko, nagtawanan ng pagkalakas lakas. Yung iba nilapitan pa ako at sinabing,

“Hindi mo naorient si Kuya. Better luck next time”

Si Ako? Muntik ng himatayin at napadukdok nalang sa table ko. Wala na akong mukhang ihaharap. Nasira na ang dangal at reputasyon ko. Yung feeling na gusto mo ng sakalin si Kuya.

Ngunit nilapitan ako ng lahat. May kinuha sa bag yung officemate ko, isang malaking cad burry chocolates. Iniabot sa akin.

“Gizelle, Happy Valentines Day”

Pigil ang pagtawa nila. Pero natouch ako.

Oo na! Minsan naman talaga mapapaisip ka. Kaya gagawa ka ng mga bagay na nakakahiya pero masaya.

“I am Gizelle. Proud to be single pero minsan nga lang” 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s