Journey: Team Puso

Isang taon.

Oo isang taon na din ang nagdaan.

Agosto bente sais nitong nakaraang taon.

Nagsimula ang isang hamon.

10403641_941905929167236_2428945169352789720_n

Dalawang beses nang ako’y kanilang tawagan

Unang beses ay aking tinanggihan

Sitwasyon ay hindi umayon

Ngunit sa pangalawang pagkakataon

Tinanggap ko ang isang hamon.

2015 - 1

Wow! Isang malaking gate na pula

Ang sumalubong sa aking mga mata

Bodegang pagkalaki laki na hindi ko mawari

Kung kaya’t kala ko ako ay nagkamali

Nagtanong ako:

“Sir, eto ba ang Sowss Marketing Enterprises eklavu?”

Sumagot siya:

“Opo, Ma’am dito po. Interview po?”

Isa. Dalawa. Tatlo.

Nakakatatlong hakbang palang ako.

Parang gusto ko ng bumalik at umuwi nalang ng Bataan.

Hindi dahil sa kaba.

Kung di dahil hindi ko mapagtanto kung nasaang lupalop na ako ng Mundo.

Binuksan ko ang pinto.

Wow. Ang daming tao.

Sa isip ko:

“May mga nagtatago palang empleyado dito. Si Manong Guard naman di ako inorient!”

Pinag exam ako ng isang babaeng unipormado

Napansin ko na parang galit siya sa mundo

Never siyang ngumiti habang iniistruct ako

Pagtingin ko sa mga exams, “Ang dami! Sakit sa bangs!”

At dito nag simula ang aking kwento.

“Hi. I’m Gizelle. Graduate of AB Comm. Major in Broadcast Journalism. Year 2013”

Ngunit di yata rumehistro sa kanila ang name kong  “Gizelle”

Dumaan ang mga araw, nagpatuloy ang Legacy ni “Maddie”

Sa unang mga buwan, nakiramdam ako.

Ang hirap naman kasi na magfeeling close agad ako.

Naungkat pa ang aking nakaraan sa kumbento

Sa pag aakalang ako’y pinalabas dahil sa aking kapasawayan.

Inuulit ko, “Lumabas po ako. Dahil ang bokasyon ay pwede ko naman gawin sa ibang paraan”

Lumipas ang mga araw at buwan.

Mas nakilala ko sila ng lubusan. : )

Si April at MJ, magkaiba ng personalidad.

Pero may kanya kanyang mga abilidad.

Si MJ na palatawa, kalog at nagsilbing Excel Mentor ko.

Si April na nagturo kung paano harapin ang mga empleyado in a “Strong Manner”

Sila lang naman ang bumubuo ng alamat ng HR.

Mas lalo pang sumaya ang office.

Dahil sa presensya ng mga taga Audit.

Si Ms. Liz, Ms. Cha and Ms. Sherlin

Mga nagsilbing mga tagapayo at taga gabay sa baguhang tulad ko.

Madaling lapitan at hindi ka mag aalangan.

Masarap silang kakwentuhan.

Hello kay Janette!

Bihira ko lang siya napagkikita noon.

Pero isa din pala siya sa mga magpapasaya sa araw araw.

Mawawala ba naman ang Audit Boys?

Si Khuya Glen na masarap magluto. Kung gano siya kasarap magluto ganun din kalutong mga jokes niya.

Si Renato na tahimik lang pero kung kikilalanin mo masaya siyang kapikunan at kaasaran.

Si Melvin, tahimik, cool at maasahan. Masayang kakwentuhan at game sa mga trip.

Syempre ang nag iisang M.I.S ng buhay namin.

Si Khuya Van. Wala ng ibang makakasagot ng mga katanungan mo kung di siya lang talaga.

Marami na din akong nakakulitan sa office.

Isa na din diyan ang SOM ng Bulacan, Hello kay Sir Peter.

Isa siya sa pinaka generous na tao na nakilala ko.

Finally, ang Ulo at Puso namin sa office.

Si Sir Raul! : )

Malaki ang role na  ginagampanan niya sa aming lahat.

Hindi masaya pag wala siya. (parinig.com.ph)

Sa loob ng isang tao ko sa Sose’s.

Samahan ay mas lalong pinasaya ng mga bago sa grupo.

Make some noise kina Juvainne and Jelly!

Idagdag pa ang pagdating ni Khuya Patrick at pagpasok ni Gellu.

Welcome Dabarkads naman ang peg nina Sandro, Aurey and Agnus.

Madami na ding paandar akong nasaksihan.

Kabilang na diyan ang pagbuo ng “Team Puso”

Na siyempre ang leader ay si Sir Puso.

Mawawala ba naman ang Love team tambalan?

MJ and Jun? Omma and Appa? Sino pa ba? HAHA! 😀

Tanging ako lang nakakapagawa ng mga ganitong video sa kanila.

Naku. Isang taon palang pala ang lumipas.

Pero parang dekada ko na sila kasama.

Iba’t ibang tao.

Pinagsama-sama para makabuo ng isang magandang samahan.

Samahan na tatak pangmatagalan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s