R E N A T O

IMG_0104

Tahimik.

Mailap.

Malumanay.

Ilan sa mga katangian na kanyang tinataglay.

Nakakahiya minsang lapitan

Dahil sa pangambang, ikaw ay di imikan.

Pag-aakalang siya ay hindi mo makakasundo

Dahil sa tingin mo ay taliwas ang inyong gusto

Lumipas ang mga araw at buwan

Hindi mo na alam kung paano nagsimula

Mga akala’y unti-unting nawawala

Napapalitan ng mga ugaling kakaiba

Oo! Kakaiba!

Mga hindi mo inaasahan ay kanyang ginagawa.

Na wala sa hinagap, kanya palang personalidad

Tunay ngang kahanga-hanga kanyang abilidad (o_-)

May mga pagkakataon na siya ay mabait

Ngunit madalas ang turing niya sa akin ay ang pait

Lagi nalang siya nagsusungit

Masasabi mo nalang na ang buhay ay kay lupit. (^-^)

Ewan ko ba kung kami ay magkaibigan

Pag-invite sa FB din ay pahirapan

Google Friend nga ay lumipas ang mga buwan

Takbo ng isip niya minsan ay mahirap sundan (-_-)

Seryoso ngunit minsan ay may kababawan

Masayang kakulitan at mahirap kaasaran

Huwag lang masyadong sosobra

Baka pasensiya ko’y biglang magwala  😀

Wow. Nagbibirthday ka pala?

Salamat sa iyong pagsilang.

Pananatili ko sa Sose’s ay naging makabuluhan.

Dahil isa ka sa mga taong dahilan

Kung bakit hindi mabigat pumasok araw araw. HAHA!

Oh! Tama na ang pambobola.

Dahil kaarawan mo ay iyong tandaan

May “Maddie” ka na pwedeng lapitan

Hindi man gaano makakatulong, pero maaari mo namang asahan.

Payo lang sa’yo kaibigan

Smile smile din pag may time

Dahil hindi lahat ng tao ay makakaintindi everytime

Bakit ang sungit mo kung minsan. HAHA

Hindi ko sinabi na ikaw ay magbago

Just be yourself as you always do

Ikaw yan eh!

Kaya saludo ako sa’yo teh! (anyareeee? Naging jejemon ako? HAHA )

Hangad ko sa iyong kaarawan

Kaliwanagan ng isipan

Kalakasan ng katawan

At higit sa lahat ay ligayang walang hanggan. : )

Madami na akong mga naging kaibigan at kakilala

Iba-iba din ang kanilang persona

Pero isa ka sa mga naiiba

Kung kaya’t ikaw ay kahanga-hanga

Tatapusin ko na ang pagddramang ito

Dahil ayaw mo sa lahat ang eksenang ganito

Kung kaya’t mula kay Maddie The Explorer

Ako’y bumabati ng Maligayang Kaarawan! : -)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s