Nasaan nga ba si “The One”?

“Nasaan na nga ba si THE ONE?”

By: Maddie Maniago

large

 

“IKAW ang pag- ibig na hinintay. Puso ay nalumbay ng kaytagal ngunit ngayo’y nandito na ikaw. Ikaw ang pag ibig na binigay sa akin ng Maykapal. Biyaya ka sa buhay ko. Ligaya’t pag ibig ko’y ikaw.”

Sino ba naman ang may hindi alam ng kantang ito ni Yeng Costantino? Mapa-may love life ka man o wala. Mapabroken hearted ka man o Forever Alone, ito na yata ang Pambansang awit ng mga Hopeless Romantic na Pinoy ngayon!

Sabi nga nila sa dami ba naman ng tao sa mundo, paano mo malalaman si “The One”? Baka nakasabay mo na pala siya sa jeep at inabutan mo pa ng bayad. O di kaya’y habang kumakaen ka ng Fishball sa may Nepo Quad ay kinainisan mo pa dahil inagaw yung dapat na tutusukin mong kikiam. Baka mamaya niyan eh nakabanggaan mo pala siya sa may Plaridel habang ikaw ay namimili ng mga Pirated DVD’s ng iyong favorite Korean Novela. O Baka naman noong tumawid ka ng daan at nakita niya pa na hindi ka sa Pedestrian Lane dumaan. Baka nakasalubong mo na pala siya sa isang mall tapos oily ang mukha mo at bad hair day ka pa. Naku! Turn OFF!  (-_-)

Sa dami ng “Baka”, ano kaya sa mga sitwasyon na iyan ang pagkakataong nagkrus ang landas niyo?

Hindi mo nga naman talaga masasabi kung sino nga ba siya talaga. Minsan sa sobrang praning mo, kahit sino nalang na nakakuha ng atensiyon mo nilalabelan mo na agad. Kulang nalang kantahin mo ang kantang pinasikat ni Willie Revillame.

“Ikaw na nga ang hinahanap ng Puso. Ang siyang magbibigay ng saya at tamis sa buhay ko. Ikaw  na nga ang bawat panaginip ko. Sa piling mo’y nagkatotoo, ang lahat ng mga pangarap ko”

Sa mga pinapanood nating mga teleserye sa TV, pag natagpuan ng bida ang kanyang “The One” ito ang eksena.

“Magkakatitigan. Slow Mo. Wind Effect. Heart beat. Love Song on air. Magkakalapit. Heart shape sa eyes. Walang makikitang mga tao sa paligid. Blurred ang lahat maliban kay The One. Teary Eyed. Magngingitian. Fade In. CUT!”

Sino ba naman ang hindi pamilyar sa mga ganitong eksena?

Ito ang gawa ng mga malikhaing isip ng mga writers at directors. Well, Mass Comm din pala ang kursong tinapos ko!  Ang makatotohanang pag arte ng mga artista upang makuha ang emosyon sa kaila-ilaliman ng mga puso ng bawat nanonood. Kaya ang resulta, mga tao ay umaasang sa totoong buhay ay ganito ang eksenang mararamdaman nila kung nandiyan na ang pinakahihintay nilang si The One.

Pero, in real life “NGA NGA!” (0_o)

Wake up, guys! Face the reality. Walang ganitong eksena. Kung may eksenang ganito edi sana lahat ng tao sa mundo ay may “They live happily ever after” na tinatawag. Walang annulment. Walang Divorce. Wala Pre-Nup Agreement. Walang Abortion. Walang Adultery. Ooops teka, lumalayo na yata ako sa topic. (Pasensya nadala lang ng emosyon. Tao lang po! Bitter din kung minsan 😛 )

Aminin! Lahat naman ng  tao sa mundo ay umaasa pa din na makita ang kanilang “The One”. Eto yung taong hindi mo na pakakawalan pa. Ibibida mo sa mga kaibigan mo. Ipagmamalaki mo sa mga magulang mo. Siya yung taong gusto mong makasama upang harapin ang future ng hindi nag iisa. Yung hahawakan mo ng mahigpit ang kamay at ihaharap sa altar. Ipagsisigawan mo sa mundo na, “Siya ang aking THE ONE!”

Ano kaya ang nararamdaman mo ngayon?

Napangiti ka ba dahil meron ng candidate para maging The One mo? O napangiti ka dahil isang kahibangan ang akin mga sinusulat ngayon? Ikaw ba ay napapailing dahil sa pag asa na matagpuan siya o di kaya’y napapailing ka dahil di makatotohanan sa iyong palagay ang binabasa mo?

Well, ikaw lang naman talaga ang makakasagot niyan. Pero, naimagine mo na ba ang sarili mo na tumanda mag isa? Yung tatanda ka na tanging lupa nalang ang makikinabang sa katawan mo upang maging pataba ng mga puno. (Oh come on!)

Wow. Ano nga ba ang mga dapat mong gawin upang matagpuan siya? Nasaan nga ba si The One? 🙂

The One. ❤

TRAFFIC

Oo! Ang gasgas at walang katapusang TRAPIK!

Malay mo naipit sa kalagitnaan ng Abacan Bridge sa Balibago. O di kaya nasa isang malaking parking lot na kung tawagin ay “EDSA”. Gusto man niya makarating sa’yo agad agad, naku mukhang malayu-layong lakbayin pa ang kailangang pagdaanan niya para magkita at magkasama kayo.

KASAMA SI LORD

                     

                      Rest in Peace! (Hindi yan!)

Wala siyang plano na makasama ka. Pumasok na siya ng seminary/kumbento  upang magtago sa’yo. O huwag na mahurt ang feelings! Tandaan mo si God ang tumawag sa kanya. I-let go mo na siya. Tanggapin mo na lang. Wala ka na magagawa.

WRONG WAY

 

                      Nasa maling pangangalaga siya. Sa sobrang tagal niyo magkita. Ayun! Nahumaling sa iba. Nagkamali ng “The One”. Ikaw kasi eh, ang bagal bagal mo mag Ninja Moves. Bilis bilisan mo kasi pag may time. Hindi ka ba naaawa sa kanya na kailangan niya na munang masaktan bago ka niya makilala? Kung binilisan mo lang at hindi ka na nagpatorpe torpe diyan. Hindi sana kayo parehas nasasaktan ngayon! Kaya kunin mo na ang taong para sa’yo! Go!

THE ONE VS. THE ONE

                     

                      OO! Posible ito! Siya ang “The One” mo pero si “The One” mo may nakalaang “The One” din para sa kanya. (ang gulo no?) Ito ang pag-ibig na 50/50 ang buhay. Hintay-hintay lang na magbreak sila para ikaw ang rebound. OO. Ganyan kasakit ang pag-ibig, REBOUND ka lang!

FRIENDZONED

 

                      Pano mo nga naman makikita ang hinahanap mong pag-ibig eh kung nilagay mo sa friends list mo ang taong tunay na nagmamahal sa’yo. Konting kahihiyan naman. Hanap ka pa ng hanap, ikaw pala diyan ang humahadlang para matagpuan siya. Ewan ko sa’yo!

ANESTHESIA GUY/ ANESTHESIA GIRL

 

                      Ito yung mga tao na kulang nalang sagasaan mo dahil sa walang maramdaman. Ayaw umibig. Ayaw magmahal. Nag-iinarte sa  buhay. Ito yung kahit anong moves ang gawin mo. Wala lang sa kanya. Hindi mo alam kung ilang turok ng anesthesia ang nilagay para di maramdaman na “Hello, I’m here”. Well, goodluck nalang sa’yo! Sana matauhan din siya.

AGAINST ALL ODDS

You and Me VS THE WHOLE WORLD. Yung feeling mo na siya na pero madaming hadlang. Maraming nagsasabing hindi kayo bagay, hindi kayo para sa isa’t isa. Minsan ito yung nagiging dahilan

 

FRIEND-ENEMY

Wala yatang ginawang araw na hindi kayo nag aaway ng taong ito. Siya yung taong kaibigan mo na lagi nalang nagpapapansin sa’yo. Nakikita mo palang kumukulo na ang lahat ng dugo mo sa katawan. Kaya apektado na pati ang puso mo. This is it! Baka siya na nga!

DUGUNG-DUGONG (HEART BEAT)

                     

May mga pangyayari sa buhay mo na minsan mo lang makita pero iba na agad ang mararamdaman mo. May ibang kapangyarihan ang bumabalot sa buong pagkatao mo, once na makita mo ang taong ito. Ito ba ang tinatawag nilang, “Love at first sight”?

Para sa’yo na nagbabasa nito, ikaw lang makakaalam kung sino nga ba ang nag-iisang “The One” mo. Huwag ka magpaimpluwensiya sa ibang tao, sa kung ano ang nakikita mo, sa kung ano ang napapanood mo o sa kung ano ang nauuso.

Tandaan mo, pag darating siya, mararamdaman mo nalang. Lahat ng kaldero, may nakalaang takip. Walang standards, walang percentage at walang ideal-ideal. Wala sa status ng buhay o walang hahadlang. Dahil hindi ka pa pinapanganak sa mundo, nakasulat na sa libro ng buhay ang pangalan niya. (ayeeeh! Kilig much)

…..to be continued

                     

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s