Happy Birthday, Mads :)

  • Paano nga ba sisimulan?

    Ako’y bahagyang nag-aalangan

    Sumulat ng tula para sa kanya

    Dahil ito’y hindi ko pa nagagawa.

    Siguro umpisahan muna sa pagbati Ng “Maligayang Kaarawan”, sabay ngiti

    Sa isang magandang binibini Sang-ayon ka marahil, Maddie.

    Kung ako’y tatanungin, siya’y ipalalarawan

    Aking iisipin, simula ng pagkakaibigan Apat na taon na rin ang nakararaan

    Nang makilala ko si Gizelle, 20, from Bataan.

    Pagbigkas ng letrang “I” ang unang napansin

    Tuwing ito’y sasabihin, sadyang may diin

    Ang “namin” sa iba ay “namen”, halimbawa, Ibahin mo si Gizelle, bigkas niya ay tama.

     
  • Ayon sa akin, dahil ako ang pasimuno Gizelle, naging Madam, uminit kasi ang aking ulo
    Inuutusan kasi ako ng kung anu-ano
    Kaya pinalitan ko, pangalan ni Ms. Maniago.

    Ngunit dahil sadyang kami’y tamad Ang Madam, naging Maddie, naging Mads Akala niyo ba ako lang ang nagpangalan? Ako rin kaya, kanyang binansagan.

    Ayoko man pagusapan, pinagmulan ng Muchie

    Ayos na rin sa akin, thank you Maddie.

    Quits na tayo sa palitan ng palayaw

    Wala akong maisip, gusto ko ng isaw.

    Sorry ah, pagsulat ng tula’y di ko forte

    Pero I’ll try my best para sa birthday mo ‘teh

    Ay buset, anyare sa verse na ‘to?

    Tama na ang lokohan, balik-seryoso tayo.

     
    Akala niyo ba puro tawa lang kami?
    Ilang beses na kaming nagkatampuhan at nagbati
    Pero ganun pa man, kung inyong mapapansin
    Kami, hanggang ngayon, magkaibigan pa rin.
  • Magkasama, marami nang pinagdaanan

    Marami nang kwentong nasulat, matatandaan

    Kung lahat ilalahad, mayroon ka nang nobela

    Sigurado bukas may bago na namang alaala.

    Gizelle, Madam, Maddie, kay Mads na maganda (Natuwa ka ba? Pambobola ko susulitin ko na)

    Dating presidente ng CommLeague ay isang dyosa

    Na bumaba dito sa lupa, ginawa kaming tropa.

    Kung di mo mamasamain, dito na tatapusin

    Hindi ang buhay mo kundi ang tulang hiniling

    Alam mo na rin naman ang nais kong sabihin

    Maligayang Kaarawan, Maddie, Sana makamit mo lahat ng iyong naisin.

     

    HAPPY BIRTHDAY, MADS! 🙂

Advertisements

One thought on “Happy Birthday, Mads :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s